-- Advertisements --
Nabigo ang isang 42-anyos na inmate sa Brazil matapos na ito ay mag-disguised para makatakas.
Ayon sa mga prison authority sa Rio de Janeiro, ginaya ng suspek ang mukha ng 19-anyos nitong anak na babae.
Agad na pinatanggal ng mga otoridad ang wig, silicone mask, at suot nitong pambabae.
Plano ng suspek na iiwan ng anak nitong babae sa loob ng bilangguan subalit hindi ito nagtagumpay matapos na siya ay masita.
Nakatakdang sampahan din ng mga otoridad ang anak nitong dahil sa pagtulong sa suspek na makatakas.
Ang suspek ay nakulong dahil sa kasong droga na may hatol ng 73 taon at 10 buwan.