COTABATO CITY- Sumentro sa naging danyos at pinsala sa kalusugan sa mamamayan ng BARMM ng nagdaang Bagyong Paeng ang naging pulong balitaan ng Ministry of Health- BARMM ngayong umaga sa Lungsod ng Cotabato, sa pangunguna ni Dr. Zul Abas ng MOH BARMM at ng mga kasama na sina Dr. Elizabeth Samama, ang PHO ng Maguindanao, Dr. Arlow Ninal, ang CHO ng Cotabato City at Dr. Ahmad Israel, ang Director 2 for Public Health Bureau ng MOH BARMM.
Dinaluhan ito ng bawat mamamahayag at mga stakeholders na matamang nakinig sa humarap na mga tagapagsalita ng MOH BARMM.
Mahigit 226,628 families, 576K plus affected individuals, 19 affected health care facilities at 52 total evacuation centers ang kasalukuyang binabantayan ng MOH-BARMM ngayong tapos na ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Pinaka napuruhan sa pananalasa ang Lalawigan ng Maguindanao at ang bayan ng Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat, Upi at Parang na may 99 barangays na apektado, 44,231 households na may 226,123 na individual na apektado at may 45 na patay at lima ang kasalukuyan pang pinaghahanap.
Inisa isa rin sa pagpupulong ang numero ng evacuation camps at sa lalawigan ng Maguindanao ay may kabuuang 11 evacuation camps ang kasalukuyan pang utilized.
Sa ngayon, binabantayan ng MOH BARMM ang bawat lalawigang sakop nito sa mga posibleng maging epidemya at sa ngayon, naglatag na sila ng mga gamot at iba pang pangangailangan na maaring gamitin para sa taumbayan.