-- Advertisements --

Nagpatuloy umano ang pressure sa kampo ng mga biktima ng Ampatuan massacre, kahit ilang taon na ang nakakaraan mula nang ito ay mangyari sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.

May ilan umanong nabigyan ng offer na umatras sa kaso, habang may iba na harassment naman ang inabot dahil sa pagpupursige sa paghahanap ng hustisya.

Ilang kaanak ng mga biktima ang umamin na labag man sa loob nila ang pagliban sa mga pagdinig, ngunit may takot sila tuwing haharap sa korte.

Ayon kay Atty. Nena Santos, isa sa mga private prosecutors sa kaso, hindi naging madali para sa mga kaanak ng biktima na ituloy ang demanda dahil sa mga gastos tuwing may pagdinig, lalo’t sa Metro Manila ang naging hearings at trials.

Sa kabila nito, tiwala si Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na papanig sa mga biktima ang timbangan ng hustisya, dahil naipresenta naman daw nila ang mga testigo at ebidensyang kinakailangan.

“Tiwala naman kami sa conviction dahil nai-present ng prosekusyon yung mga testigo at ebidensya,” wika ni Mangudadatu.