Inanunsiyo ngayon ng Norwegian Nobel Committee ang pagkakapili sa United Nations World Food Programme (WFP) sa prestihiyosong 2020 Nobel Peace Prize.
Pangunahing gawain ng World Food Programme (WFP) ay labanan ang pagkagutom sa iba’t ibang dako ng mundo.
Kinilala ng Norwegian Nobel Committee ang WFP dahil sa programa na naglalayong pigilan ang paggamit ng kagutuman o kawalan ng pagkain bilang armas ng anumang grupo para sa giyera.
“This is in recognition of the work of WFP staff who put their lives on the line every day to bring food and assistance to more than 100 million hungry children, women and men across the world,” bahagi ng Twitter message.
Ang World Food Programme ang ika-101st winner ng Nobel Peace Prize kung saan taun-taon ay isinasagawa ang anunsiyo ng Norwegian Nobel Institute sa siyudad ng Oslo.
Ang bawat recipient ng award ay may premyo na $1.1 million.
Kasama rin ang Nobel diploma na itinuturing na “unique work of art” at Nobel medal.
Noong nakaraang taon ang Nobel Peace Prize ay napunta sa Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed kung saan ang kanyang peace deal sa bansang Eritrea ay nagtapos sa 20-year military stalemate makaraang ang 1998-2000 border war.
Si dating US President Barack Obama ay nanalo rin ng Nobel Peace Prize noong taong 2009.
Ang iba pang tumanggap ng Nobel Peace Prize ay ang South Africa’s first black president Nelson Mandela (1993), dating US President Jimmy Carter (2002); child education activist Malala Yousafzai (shared 2014); ang European Union (2012); ang dating United Nations secretary-general na si Kofi Annan (shared 2001), ang Catholic saint na si Mother Teresa (1979) at marami pang iba.
Samantala batay sa pagtaya ng WFP umaabot sa 97 million katao kada taon ang kanilang natutulungan sa 88 mga bansa.
Bilang reaksiyon todo pasalamat ang WFP sa naturang malaking karangalan at alay daw nila ito sa mga staff nila na inilalagay ang buhay sa delikadong sitwasyon araw-araw.
“WFP is deeply humbled to receive the 2020 #NobelPeacePrize,” ani WFP sa statement. “This is in recognition of the work of WFP staff who put their lives on the line every day to bring food and assistance to more than 100 million hungry children, women and men across the world.”