Nagwagi at napili sa prestihiyosong Nobel Peace Prize for 2022 ang nakakulong na Belarusian human rights advocate na si Ales Bialiatski, at dalawang organizations mula sa Russia at Ukraine – ito ang Memorial at ang Center for Civil Liberties.
Ang mga nanalo ay kinilala sa kanilang outstanding effort upang idokumento ang war crimes, human right abuses at “abuse of power” sa kanilang mga bansa.
Ayon sa Norwegian Nobel Committee ang kanilang panalo ay pitong buwan matapos ang Russia ay maglunsad ng full-scale war sa Ukraine, kung saan nakipagsabwatan din umano ang Belarus.
Sinabi pa ng award committee na ang kanilang hakbang ay upang bigyang pugay ang “peaceful coexistence” sa panahon ng pinakamatinding pagsubok sa Europe mula noong second world war.
“The peace prize laureates represent civil society in their home countries,” ani Berit Reiss-Andersen, ang chair of the Norwegian Nobel committee. “They have for many years promoted the right to criticise power and protect the fundamental rights of citizens.”
Kaugnay nito, nanawagan sila sa gobyerno ng Belarus na palayain na si Bialiatski mula sa pagkakakulong para ang veteran activist ay makadalo sa awarding ceremony na magaganap sa December 10, 2022 sa Oslo City Hall.
Si Bialiatski, ang namumuno sa Belarus rights group na Viasna.
Kabilang siya sa ikinulong noong buwan ng Hulyo nang maglunsad ng “sweeping crackdown” sa mga oposisyon ang pamahalaan ni Lukashenko matapos ang malawakang anti-government demonstrations.
Samantala, ang bawat recipient ng mga award mula sa magkakalapit na mga bansa ay tatanggap ng premyo na 10m Swedish crowns o katumbas ng £804,000.