-- Advertisements --
Nananatiling “stable” ang presyo at supply ng mga basic goods sa mga lugar na apektado nang pag-alboroto ng Taal Volcano nitong weekend.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, nagpapasalamat lang din siya sa Diyos at hindi naging malala ang panibagong pagsabog ng Taal.
Nag-apply na rin aniya ang DTI ng exemption sa Commission on Elections ban ngayong election season para makapamahagi sila ng livelihood kits sa mga apektadong residente.
Nabatid na aabot sa 1,006 pamilya o katumbas ng 3,649 katao ang apektado ng Taal Volcano eruption noong weekend.