Inaasahang bababa ang retail price ng asukal sa kasabay ng pagsisimula ng milling season.
Ayon kay PCAFI president Danilo Fausto, magsisimula na ang milling season sa susunod na linggo na inaasahang makakatulong bilang augment para sa lokal na suplay ng naturang commodity.
Umaasa ang grupo na bababa ang presyo ng asukal sa susunod na buwan o kaya naman ay sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Fausto ang retail price ng asukal ay tumaas ng P40-P55 per kilogram noong February hanggang P90-P95 per kilogram sa kasalukuyan.
Ayon kay Fausto, nakadepende sa ilang factors gaya ng cost of production kung magkano ang ibababa ng presyo ng asukal sa oras na magkaroon na ng karagdagang local supply.
Pinuri naman ng grupo ang naging desisyon ng Pangulong Bongbong Marcos sa pagtutol nito sa proposed order na pag-aangkat ng 300,000 MT ng asukal dahil sa magsisimula na ang milling season at makakaapekto lamang ito para sa ating mga sugar farmers.
-- Advertisements --