Binigyang diin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na stable na ang presyo ng asukal sa bansa mula noong Pebrero.
SRA acting administrator Pablo Luis Azcona, bumaba ito ng P85 hanggang P110 at batay sa monitoring ng DA napanatili nito ang ganitong presyo hanggang sa kasalukuyan.
Ganito rin aniya ang farmgate price ng raw at refined sugar na nasa P60 kada kilo o P3,000 kada 50-kilo na sako.
Sinabi ni Azcona na pinipilit nilang ibaba ang farm gate price sa kabila ng stable na presyo sa merkado ng mga bilihin.
Gayunman, sinabi ni Azcona na umaasa silang maabot ang farmgate price na P60 kada kilo sa unang price bidding noong Setyembre 14 na mas mababa sa average na farmgate price na P62 noong nakaraang taon.
Aniya ang bansa ay magkakaroon ng dalawang buwang buffer stock ng asukal sa pagsisimula ng panahon ng paggiling o milling season.