-- Advertisements --

Naniniwala ang mga grupo ng magsasaka na tuluyang bababa ang presyo ng bigas ngayong buwan.

Ayon sa Federation of Free Farmers Cooperatives na nagsimula ng dumating ang mga bagong suplay ng bigas sa merkado.

Ngayon buwan na rin kasi ay magsisimula na ang anihan kung kayat inaasahan ang pagdami ng suplay ng bigas.

Magkakaroon lamang ng minimal na produksyon dahil sa nararanasan ang epekto ng El Nino sa bansa.

Iginiit ng grupo na malabong mapababa ang P50 sa kada kilo ng bigas dahil nananatiling mataas ang farmgate price na pumapalo sa P31 kada kilo.