-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa susunod na buwan at manunumbalik ito sa presyo noong buwan ng marso.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) babalik na sa ‘march price’ ang presyo ng bigas at taliwas sa mga napapaulat na tataas pa raw ito sa mga susunod na buwan.

Aniya ay medyo bumaba ng dalawa hanggang 3 piso ang presyo ng bigas noong nakaraang buwan at aasahang bababa pa ito sa loob ng 10 hanggang 15 na araw.

Samantala ay bumaba din ang presyo ng mga imported rice partikular sa Vietnam at Thailand.