Maaaring maabot ang P5 na pagbaba sa presyo ng bigas pagsapit ng Enero ng susunod na taon ayon kay Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr.
Ito ay kasunod na rin ng pagkaubos ng stocks ng sobrang nabiling imported rice sa mahal na taripa at mahal na presyo noong katapusan ng Agosto habang nitong Setyembre naman ang kinokonsumong bigas o palay ay mula noong Enero hanggang Hunyo na nabili ng napakamahal ng local traders o local buyers.
Paliwanag pa ng kalihim na ang presyo sa merkado ay nagrereflect sa stocks na una ng nabili sa mas mataas na taripa. Subalit sa bisa ng EO No. 62, binawasan na ang ipinapataw na taripa sa imported rice mula sa 35% sa 15%.
Nagbenepisyo naman aniya ang lokal na magsasaka mula sa P29 kada kilo hanggang P30 kada kilo na buying price ng palay mula Enero hanggang Hunyo na nagresulta sa mas mataas na retail price ng bigas sa merkado.
Base sa monitoring ng DA, ang retail price ng bigas sa Metro Manila ay bumaba ng P42 kada kilo mula sa P50 kada kilo na presyo ng bigas sa mga nakalipas na buwan.