-- Advertisements --
Magsisimula ng bumaba ang presyo ng bigas simula sa kalagitnaan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Tinawag ito ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel bilang kaniyang “fearless forecast”.
Paliwanag ng kalihim na nauubos na ang mga naunang stock ng bigas na mataas ang presyo at napapalitan ng mas murang mga bagong stock.
Inihalimbawa pa ng kalihim na kung ngayon ay nasa P50 kada kilo ang presyo ng bigas, dapat na bumaba na ito sa P45 kada kilo sa susunod na buwan.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Sec. Laurel na mararamdaman ang full effect nito sa Enero 2025.
Una na ngang iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang presyo ng bigas na nagresulta sa mas mabagal na inflation rate ng bansa na nasa 1.9% noong Setyembre.