-- Advertisements --

Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng produktong bigas,manok at kamatis sa Commonwealth Market sa Quezon City batay sa naging monitoring ng Department of Agriculture at DTI.

Ayon kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., isa sa kanilang nakita na stall ay nagbebenta na lamang ng P54 pesos per kilo ng pinakamahal na imported na bigas.

Mas mababa ito ng piso sa maximum suggested retail price na P55 per kilo.

Nakitaan rin ng pagbaba ang presyo ng kamatis na bumaba na ngayon sa P30 hanggang P50 kada kilo.

Ito ay mula sa dating halos P300 na presyo nito kada kilo noong unang linggo ng buwan ng Enero.

Bumaba rin ang presyo sa kada kilo ng Manok na ngayon ay nasa P130 mula sa dating 180 noong mga nakalipas na linggo.

Tiniyak ng Department of Agriculture na patuloy ang kanilang gagawin na mga pag-iikot sa mga pamilihan sa Metro Manila.