-- Advertisements --

Ginawang mas mura pa ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng bigas na ibinibenta sa mga Kadiwa store sa ilalim ng Rice-for-All program ng ahensiya.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang presyo ng naturang bigas na mabibili sa Kadiwa stores ay ibinaba mula sa kasalukuyang P40 kada kilo sa P38 kada kilo na lamang.

Ang naturang bigas ay 25% na broken rice variety.

Magiging epektibo aniya ang bagong presyo bukas, Biyernes, Enero 17.

Sunod naman na ipapatupad ang maximum suggested retail price (MSRP) na P58 kada kilo para sa 5% na broken imported rice sa araw ng Lunes, Enero 20.

Kaugnay naman nito, magsasagawa ang ahensiya ng buwanang pag-review sa presyo para umakma sa mga paggalaw ng mg presyo sa pandaigdigang mercado at taripa kaakibat nito ang pagpapalawig pa ng nasabing programa sa iba pang malalaking siyudad buong bansa.