Nagsimula ng bumaba ang presyo ng bigas sa merkado, ito ang kinumpirma ng Department of Agriculture kasunod ng matagumpay na implementasyon ng Kadiwa ng Pangulo “Rice-for-All” program sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Umaaray na ang mga market rice retailerds dahil wala ng bumibili na bigas dahil ang lahat ay sa Kadiwa na ng Pangulo bumibili na inisyatiba na DA, local dealers, importers wholesalers na suportado din ng Philippine National Police (PNP).
Sinisiguro ng programa ang maayos na distribusyon ng abot kayang presyo ng bigas na nasa P40 kada kilo subalit limitado lamang sa 25 kilos ang maaring bilhin ng isang indibidwal.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang bigas na ibinibenta sa Kadiwa ay mas mura ng P3 hanggang P5 kumpara na ibinibenta ng mga market retailers.
Dahil sa maraming mga kababayan natin na pinili bumili ng bigas sa Kadiwa tumaas ang benta ng mga rolling stores.
Batay sa monitoring ng DA tinatapatan na ng mga market rice retailer ang presyo na ibinibenta sa mga rolling stores.
Sa ngayon nasa kabuang 147 sako ng bigas ang naipamahagi sa ibat ibang palengke sa Metro Manila.
Ngayong araw December 27,2024, muling nag resume ang Kadiwa ng Pangulo “Rice-for-All” na kanilang ika pitong araw.
Target nito na maka avail ang mga mamimili ng murang bigas kasunod ng pagdiriwang ng Bagong taon.