-- Advertisements --
BIGASAN

Napanatili pa rin sa P40 hanggang P45 ang presyo kada-kilo ng mga bigas sa maraming pamilihan sa Metro Manila, kasabay ng pagtatapos ng Setyembre.

Batay sa opisyal na monitoring ng Department of Agriculture(DA) Bantay Presyo, ang regular milled rice na locally produced ay nasa P40 kada kilo.

Nanatili naman sa P45 kada kilo ang presyo ng well-milled rice na mula sa lokal na produksyon.

Para sa mas mataas na klase ng lokal na bigas, nasa P47 ang kada kilong presyo ng premium habang P54 kada kilo naman sa special rice.

Para naman sa mga bigas na galing sa ibang bansa, P43 ang kada kilong presyo ng regular milled habang P45 ang per kilo ng well milled.

Naitala naman sa P46 ang kada kilo ng premium habang P53 para sa special rice.

Ang mga naturang presyuhan ay pasok pa rin sa price cap na unang ipinatupad ng pamahalaan para sa dalawang klase ng bigas na malimit bilhin ng publiko: well-milled at regular milled.

Una itong ipinatupad sa unang linggo ng Setyembre, 2023.