-- Advertisements --
Umaabot na sa P56.00 kada kilo ang presyuhan ng well milled na bigas sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa pinakahuling monitoring ng kagawaran sa pagtatapos ng Agosto, naglalaro mula P47.00 hanggang P56.00 ang kada kilong presyo ng bigas.
Naitala naman sa Pasig City Market ang pinakamurang presyuhan ng well milled na bigas mula P47.00 hanggang P49.00.
Habang naitala ang mula P54.00 hanggang P56.00 na presyo ng kada kilo ng bigas sa mga public market ng Guadalupe, Makati City, Commonwealth, sa Quezon City, ay Pasay City Market.
Samantala, as of Aug 30, 2023, wala namang available na well milled rice sa Munoz Market sa Quezon City.