Tumaas nanaman ng 2-5 piso ang kada kilo ngayon ng bigas sa Metro Manila, ito ay batay sa price monitoring ng Department of Agriculture.
Samantala sa Imported commercial rice, ang Special ay nasa P50-59, ang premium ay P43-P52.
Habang ang Well-milled ay aabot naman ng P38-46 at ang regular milled ay nasa P34-P40.
Sa Local commercial rice naman, ang special ay aabot ng P48-P60, ang premium ay P42-P49, at ang well-milled ay nasa P38-46 samantala ang Regular milled ay aabot ng P34-P40.
Ayon pa sa Samahan ng Industriya ng Agrikultura, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dulot ng mahal na pataba at langis.
Pahayag ni SINAG President Rosendo So, “Hindi lang sa ating bansa tumaas ang bigas sa Thailand, Pakistan, Vietnam at India kung makita mo ang world market tumaas sila ng $100 per metric tons,”