-- Advertisements --
image 698

Inaasahang mananantili pa ring stable ang presyo ng commercial air ticket sa buwan ng Oktubre.

Ito ay batay sa projection ng Civil Aeronautics Board (CAB), kasabay ng inaasahang panananatili ng fuel surcharge sa level 6.

Sa naging statement ng CAB, mananantili ang fuel surcharge sa susunod na buwan, para sa mga passenger at cargo services, kapwa sa mga domestic at international flights sa bansa.

Maalalang una nang sinabi ng CAB na umangat ang bilang ng mga pasahero sa mga sasakyang panghimpapawid sa buong bansa, ng hanggang sa 78% sa unang bahagi ng 2023.

Umabot ito ng 23.5million na pasahero, kumpara sa 13.2million na naitala noong nakalipas na taon sa kaparehong period.

Sa domestic passenger category, umangat ito ng 51% at nakapagtala ng hanggang sa 14.6million na pasahero.

Sa international passenger category, umangat ito ng 156% at umabot ng 8.96million na pasahero mula sa dating 3.49million lamang.