-- Advertisements --
Inaasahan na tataas na naman ang presyo ng gasolina at diesel ngayong Martes , Sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang posibleng pagsasaayos ng presyo ay dahil sa mga ulat na babawasan ng Russia ang produksyon ng krudo.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero mapipilitan umano silang kumuha sa ibang source kung magkakaroon ng pagtaas ng demand sa produkto.
Samantala, inaasahang tataas ng dalawang milyong bariles kada araw ang pangangailangan ng langis sa mundo ngayong taon.