-- Advertisements --

Posibleng tumaas ang presyo ng gatas at iba pang delata ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni Trade Asec. Amanda Nograles, maliban sa pending price adjustment notices sa naturang mga produkto ay hindi pa ito ipinatutupad sa kasalukuyan.


Kaugnay nito, nakikipag-usap na ang DTI sa mga manufacturers para maging makatwiran lamang kung sakaling matutuloy ang pagtataas ng presyo.


Sinabi pa ni Asec. Nograles na nasa proseso pa lamang sila ng computation kung magkano ang dapat itaas sa presyo ng de lata at gatas, kung sakaling pagbibigyan ang hirit na umento sa presyo.
Ikinokonsidera rin ng DTI ang presyo ng packaging materials, tin can, at presyo ng tamban sa merkado, para naman sa sardinas.