Asahang bababa ang presyo ng mga gulay para sa mga mamimili dahil sa mas murang halaga ng mga gulay sa mga pamilihan.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at presidente ng grupo na si Rosendo So, maganda ang ani ng mga magsasaka bunsod ng magandang lagay ng panahon.
Harvest time rin umano ngayon at maganda ang weather maski sa upland at lowland. Dagdag pa niya mas kung mas maganda ang harvest ng mga magsasaka, mas malaki iyong production ay talagang mas mababa ang presyo na maibibigay.
Sa ngayon mas mura naman ang imported na pula at puting sibuyas na mabibili sa halagang P140.00.
Mas mura na rin na mabibili ang iba pang klaseng gulay gaya ng Kangkong, Pechay, Sitaw, Brocolli, Ampalaya, Carrots at iba pa.
Inaasahan naman ang patuloy na pagbaba ng presyo nito, kapag nagtuly tuloy pa ang magandang panahon at produksyon