Pinangangambahan ng Department of Agriculture na muling sumipa ang presyo ng gulay at mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagtama at pananalasa ng mga bagyo ngayong mga nakalipas na buwan.
Tinukoy ng ahensya ang ampalaya na ngayon ay naglalaro sa ₱200 ang kada kilo, kabilang na dito ang talong na ₱150-₱220 per kilo at kamatis na ₱140-₱230 per kilo.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, malabong makabalik kaagad ang maayos na suplay ngayong sunod-sunod ang mapaminsalang bagyo.
Paliwanag ni De Mesa, naapektuhan ng sama ng panahon ang major producer ng lowland vegetables.
Kinabibilangan ito ng Cagayan Valley, Central Luzon, at maging ang Southern Luzon.
Samantala, siniguro ng ahensya na ang mataas na presyo ng gulay ay hindi aabot sa pasko.