-- Advertisements --

Itinuturong sanhi ng pagbilis ng inflation rate noong Disyembre ang nagtaasang presyo ng mga produktong kailangan sa holiday season.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumilis ang paglobo ng presyo ng bilihin at serbisyo kung ihahambing sa ibang buwan.

Sinabi ni National Statistician Rosalinda Bautista na ang December 2019 headline inflation ay umakyat sa 2.5 percent, kumpara sa 1.3 percent lamang noong Nobyembre.

Gayunman, pasok daw ito sa inaasahan ng pamahalaan, kaya hindi na ipinagtaka ng economic managers ang data sa pagsasara ng taon.

Lumalabas din na higit pa itong mababa kung itatapat sa December 2018 record na 5.2 percent.