Umangat ang presyo ng mga agricultural commodities sa unang bahagi ng Disyembre, 2023.
Ito ay batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Pangunahin sa mga naitalang bumaba ang presyuhan ay ang karne at bigas.
Batay sa datus ng PSA, umangat ang presyo ng well-milled rice ng hanggang sa P54.15 kada kilo, mula sa dating P52.92 kada kilo noong huling bahagi ng Nobiembre, 2013.
Para sapresyo ng iba’t-ibang mga karne sa mga merkado ng bansa, umangat ng P339.76 ang kada kilo ng karne ng baka mula sa dating P337.90 kada kilo sa huling bahagi ng Nobiembre.
Nakapagtala rin ng pagtaas sa presyo ng karne ng baboy. Ang Kasim ay tumaas sa P322.17 kada kilo mula sa dating P321.31. Umakyat naman sa P341.2/kg ang presyo ng liempo mula sa dating P339.62/kg.
Maging ang preyo ng itlog ng manok ay nakapagtala rin ng bahagyang pagtaas sa average price. Ito ay naitala sa p8.89 kada piraso mula sa dating P8.78.