-- Advertisements --

Bumaba ang ilang presyo ng bilog na prutas sa kahabaan ng Libertad, Pasay ilang oras bago mag ang salubong sa bagong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa ilang mga bumibili mas mura raw ang presyo ng mga bilog na prutas katulad ng Ponkan na P100 ang presyo sa apat na piraso, na dating mabibili ng P40 ang isa, gano’n din ang Mansanas na P100 ang tatlong piraso na P35 ang isa dati, Longgan na P100 ang isang tali, P50 naman kung naka plastic, para sa presyo ng peras mabibili mo ito ng P100 kung saan may tatlong piraso kana, sa Ubas na P180 ang kada kilo na dating P250 ang presyo ng kada kilo.

Pasok rin sa budget ngayong bagong taon ang kiat-kiat na P100 ang isang tali kung saan may 25 na piraso kana.

Bahagya namang nagtaas ng P20 ang presyo ng Dalandan na mabibili mo ng P80 ang per kilo habang ang Suha ay nakadepende naman ang presyo sa laki kung saan nag ra-range ng P60 hanggang P150.

Samantala, nagtaas ng P40 ang presyo ng kada isang Buko kung saan mabibili mo ito ngayon ng P90 ang isa kumpara noong pasko na nasa P50 lang ang isa.

Paliwanag naman ng ilang tindera ang pagtaas ng Buko ay dulot ng mga nagdaang mga kalamidad kagaya ng sunod-sunod na mga pag-ulan na siya namang dahilan para magtaas daw ng presyo ang mga supplier nito.