-- Advertisements --
image 206

Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang mga gulay sa merkado bunsod umano ng pagkasira ng ilan sa mga ito sa Benguet dulot ng Andap o Frost.

Ang broccoli, patatas at carrots, 40 pesos ang itinaas, ang Pechay baguio naman ay 30 pesos samantalang 10 pesos naman ang itinaas ng lettuce.

Ayon kay Mary Grace Ramos, sampong taon nang nagtitinda ng gulay, biglang tumaas umano ang presyo ng carrots pati na ang patatas.

Ang Benguet ay isa sa major vegetable producers ng bansa, kaya malaki ang epekto ng pagkasira ng mga gulay doon sa presyo sa mga merkado.

Ngayong linggo ay nararanasan ang andap o frost sa benguet, bumababa ng halos 16°C ang temperatura sa nasabing lugar.

Samantala, ayon naman kay Vergie Rivera isa ring tindera, ang presyo ay depende parin raw sa lokasyon ng supplier, sa kanilang mga paninda, wala naman umanong gaanong pagtaas sa presyo ng mga gulay.

Sa ngayon, marami parin naman raw ang bumibili ng kanilang mga paninda.

Bukod sa Benguet, ang ilan pa sa mga supplier ng gulay ay ang Nueva Vizcaya, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.