Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas sa presyo ng ilang mga pangunahing bilihin sa bansa hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Hunto.
Batay sa sa pinakahuling monitoring ng ahensya, nakitaan ng taas-presyo ang ibinebentang karne ng baboy, luya, at maging ang kamatis.
Lumalabas na dalawang piso ang itinaas ng kada kilong presyo ng baboy mula sa dating P303.76 patungo sa P305.30.
Ang retail price ng kamatis ay nakitaan din ng halos sampung pisong pagtaas.
Umaabot na sa P80.07 ang kada kilong retail price ng kamatis mula sa dating P71.47.
Para sa mga produktong luya na ilang linggo nang binabantayan ng Department of Agriculture (DA), umakyat na sa P200.88 ang kada kilo nito sa huling bahagi ng Hunyo mula sa dating P185.87 kada kilo.
Ito ay may pagtaas na halos P15 kada kilo.