-- Advertisements --
gulay

Naramdaman ang pagbaba ng presyo ng ilang mga paninda sa merkado nitong nakaraang buwan kaugnay ng pagbagal ng inflation sa bansa mula 8.6% noong Pebreo ay naging 7.6% nalang nitong Marso.

Mayroong 13 na commodity groups ang nakatulong para bumagal ang inflation.

Ilan sa mga pangunahing bilihin na malaki ang naging ambag ay pagkain, non-alcoholic beverages, transportasyon, housing, tubig, kuryente, gas at iba pang langis.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang gulay ang pinakanangungunang nakatulong sa pagbagal ng inflation rate mula 31.1% noong Pebrero naging 20% nalang ang inflation nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Susan Dela Peña, 20 years nang nagtitinda ng gulay, malaki raw talaga ang ibinababa ng mga paninda nilang gulay nitong Marso kumpara noong Pebrero.

Sa ngayon ay marami umano ang namimili dahil sa ramdam na ramdam ang pagbaba ng presyo.

Dagdag pa niya, matumal at hirap umanong magbitiw ng pera ang mga mamimili pag mataas ang presyo ng gulay.

Samantala, sa iba pang balita, sa kabila ng pagbaba ng inflation nitong Marso, ngayong araw ay epektibo naman ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ang gasolina ay tataas ng halos 2.50 hanggang 2.80 kada litro, ang diesel naman ay 1.50 hanggang 1.80 ang pagtaas kada litro at sa kerosene ay 1.80 hanggang 2.10 kada litro.

Ayon kay Alfredo Buraw, pahirap nanaman itong pagtaas sa kanilang pamamasada.

Sa ngayon ay patuloy parin ang ating pagbabantay sa presyo ng mga paninda sa bawat merkado.