-- Advertisements --
isda palengke mamimili customer consumer

Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang mga isda ngayong Semana Santa gawa nga ng pagiging in demand nito sa merkado.

Kung matatandaan, dalawang linggo bago ang Semana Santa ay binabantayan ng Department of Agriculture and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang presyo nito dahil sa possibleng pagtaas.

Ayon kay Zenaida Loterte, ang ilan sa mga isda ay tumaas, at sa ngayon ay marami ang namimili kumpara noong nakaraang linggo.

Sapat naman umano ang supply ng mga isda at sumasakto lang ito sa demand ng mga namimili.

Samantala, sa ibang balita naman, ang presyo ng manok ngayong Semana Santa ay bahagyang bumaba.

Mula sa 190 pesos noong nakaraang linggo, ngayon ay naging 180 pesos na lamang.

Kung ikukumpara raw ay mas matumal ang bentahan ngayong linggo.

Sa ngayon ay patuloy parin ang pagbabantay sa mga presyo ng mga paninda sa merkado ngayong Semana Santa dahil sa mga posibleng mga pagbabago nito hanggang sa mga susunod pang araw.