-- Advertisements --
image 349

Mahigit dalawang linggo bago ang semana santa, binabantayan ng Department of Agriculture and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang presyo ng isda dahil sa posible itong tumaas.

Ito kasi ang kalimitang malakas ang demand tuwing Semana Santa.

Nilinaw naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources chief information officer Nazario Briguera na ang semana santa ay peak season ng fishing activity kaya walang dapat ikabahala sa supply nito.

Ayon kay Emralina Toledo, walong taon nang nagtitinda ng isda, at Chona Bensalida talagang tumataas ang presyo ng isda tuwing semana santa dahil ito na raw ang nakasanayan ng mga tao.

Kahit naman umano mataas ang presyo ay marami parin ang bumibili nito.