GENERAL SANTOS CITY – Walang nakitang manipulasyon ng sinumang indibidwal sa biglang pagtaas ng presyo ng isda sa palengke.
Ito ang pahayag ni Omar Sabal, Information Officer ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 12 .
May kaugnayan ito sa halos hindi na makain na presyo ng galonggong na mabibili sa P280 hanggang P300 bawat kilo .
Ayon pa nito na lumiit ang kuhang isda dahil sa bagyong Auring na dumaan sa karagatang bahagi ng Pacific Ocean kayat umuwi ang mga mangingisda subalit bumalik na matapos dumaan ang bagyo.
Dagdag pa nito na hintayin na lamang ang epekto sa susunod na linggo na posibleng babalik sa normal na suplay ang isda sa lugar. Isa din umano na naranasan bawat unang kwarter ang paglaki ng alon kayat apektado ang production.
Hinimok din nito ang publiko na mag venture sa Aquaculture dahil sumisikip sa karami sa mangingisda sa laot kayat lumiliit din ang kuha ng mga ito habang dumarami ang kumakain ng isda .
Isa pang rason ang pagtaas ng presyo ng karne ang nag-odyok sa publiko na bumili ng isda sa halip tiniyak na babalik sa normal ang presyo ng isda na nararanasan ngayon.