-- Advertisements --

Posibleng tataas ng 15 hanggang 30% ang presyo ng isda sa kasagsagan ng Holy Week, ayon sa Department of Agriculture.

Ayon sa ahensiya, ang pagtaas ng retail price ng mga isda ay kasabay ng inaasahang pagbaba ng demand sa iba’t-ibang mga karne, kaakibat ng paggunita sa Mahal na Araw.

Batay sa projection ng DA, sapat ang supply ng mga isda sa palengke upang matugunan ang posibleng pagtaas ng demand na inaasahang magsisimula sa susunod na lingo(April 14).

Kabilang sa mga isdang may mataas supply sa kasalukuyan ay ang galunggong, bangus, tilapia, Indian mackerel, sardinas, yelowfin tuna.

Maging ang iba pang fishery products tulad ng pusit, pasayan, lamang-dagat, atbpa, ay nananatiling may mataas na volume.

Siniguro naman ng DA na babantayan ang supply at presyuhan ng mga fishery products sa kabuuan ng Mahal na Araw.