-- Advertisements --

Posibleng pumalo ng P10 hanggang P15 ang kada piraso ng itlog sa susunod na linggo sa bansa.

Ayon sa Agricultural Sector Alliance of the Philippines Inc. (AGAP) na ito ay dahil sa pagtaaas ng production cost at kaso ng bird flu.

Sinabi rin ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, sa nakaraang 14 na buwan ay mayroong oversupply ng itlog kaya mababa pa ang presyo nito.

Sa patuloy rin na pagmamahal ng feeds noong nakaraang mga buwan kaya maraming mga layer farm owners ang huminto.

Base kasi sa kanilang record na mayroon 35 percent ang oversupply ng itlong noong nakaraang mga buwan kay tumigil ang ilan sa pag-alaga ng mga layers.

Aabot rin sa P4 ang farm-gate price noong nakaraang buwan subalit ngayon ay aabot na sa P6.