Hindi pa gaanong ramdam ang epekto ng African Swine Fever sa presyo at supply ng karneng baboy dito sa bahagi ng Pasay Public Market.
Sa katunayan ay bahagyang bumaba pa ang presyo nito kumpara noong nakaraang buwan.
Ngunit kung mapapansin, nasa limangput apat na probinsya na ang apektado ng African Swine Fever, mahigit kalahati na ng mga probinsya sa buong bansa.
Kaya naman inaasahan na ninipis ang supply ng karneng baboy sa mga pamilihan.
Ayon sa mga tindero dito sa bahagi ng Pasay Public Market ay hindi pa naman gaanong ramdam ang epekto nitong African Swine Fever.
Samantala, ang presyo naman ng mga imported na baboy ay higit na mas mababa kumpara sa fresh na karne dito sa bansa.
Ito ay ang mga frozen meat na mula pa sa ibang lugar.
Kaugnay nito, pakinggan naman natin ang naging pahayag ni Rolando Magbanwa isa ring tindero.
Ayon sa Department of Agriculture, sa darating na Hunyo ay possible na talagang maramdaman ang kakulangan sa supply ng karneng baboy.
Aabutin umano ng 46,000 metric tons ang kakulangan habang ang demand ay aabot ng 145,000 metric tons.
Dahil dito, naghain ang mga mambabatas ng resolusyong mag deklara ng State of Calamity sa bansa.
Sakaling maideklara ang State of Calamity ay magagamit ng Department of Agriculture , mga Local Gov. Unit at iba pang ahensya ang kanilang quick response fund upang matugunan ang naka ambang kakulangan ng supply.