-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PPFP) na tumaas ang presyo ng karneng baboy sa mga palengke bunsod ng pagtaas ng farm inputs at production costs.

Ayon sa presidente ng grupo na si Rolando Tambago, ang farm-gate price ng karneng baboy ay tumaas sa average na P210 kada kilo dahil sa pagsipa ng halaga ng farm inputs.

Inihayag din ni Tambago na ang P120 na gap sa pagitan ng farm-gate at retai price ng baboy sa merkado ay dahil sa halaga ng transportasyon o logistics.

Kayat iginiit nito na dapat humanap ng paraan ang pamahalaan para mapunan ang puwang sa pagitan ng farms at retailers.

Ipinunto naman ng grupo na walang manipulasyon sa presyo ng baboy sa bansa.