Tumaas ang retail price ng karneng manok ng P10 kada kilo na ibinibenta ng hanggang P230 kada kilo mula sa dating P220 kada kilo ayon sa Department of Agriculture (DA).
Base sa latest monitoring ng ahensiya sa mga palengke sa Metro Manila, mabibili ang karneng manok sa pagitan ng P170 at P230 kada kilo.
Kaugnay nito, daing ni United Broiler Raisers Association (UBRA) at Philippine Egg Board ang disparity sa pagitan ng farmgate price at retail price ng manok.
Base naman sa monitoring ng United Broilers Raisers Association sa farmgate price ng manok sa Luzon, nasa P119 kada kilo ito sa Tarlac, P125 kada kilo naman sa Batangas, Pampanga at Cavite at P121 kada kilo naman sa Bulacan.
Bunsod nito ayon sa chairman emiritus ng UBRA na si Gregorio San Diego nagpasya ang mga broiler farmers na bawasan ang kanilang produksiyon dahil wala silang nakikita at sa halip ay nalulugi na sa nakalipas na 8 buwan.
Samantala, sinabi naman ni San Diego na ang desisyon ng DA na isama ang itlog sa relief packs ng DSWD ay isang win-win solution sa gitna ng labis na suplay at patuloy na pagbaba ng farmgate price.