-- Advertisements --

Hindi na pinakamahal ang presyo ng kuryente sa Pilipinas sa Asya.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagharap sa panel interview sa Malacañan Palace.

Ayon sa Punong Ehekutibo, number two na lang ngayon ang standing ng bansa kung pag-uusapan ay ranking bilang may pinakamahal na presyo ng kuryente sa Asia.

Inihayag ni Pangulong Marcos na kapantay na ng electric cost ang halaga ng kuryente sa Europa ng Pilipinas habang nagpapatuloy aniya ang pamahalaan na tumuklas ng long term solution hinggil sa demand ng kuryente sa bansa.

Kabilang dito ang pagtatayo ng mga bagong planta ng kuryente at paggamit na ng renewable energy.

Pagbibigay-diin ng Presidente, kailangan nang masimulan ngayon ang mga hakbangin upang masigurong sasapat ang power supply ng bansa lalo na at matagal-tagal din ang panahong gugugulin para maipuwesto ang mga mas makabagong source ng kuryente gaya ng nuclear plant, floating wind turbines, at iba.