Matapos ang apat na magkakasunod na linggong pagtaas sa presyo ng langis, asahan naman ang pagbaba ng presyo nito sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), maaaring bumaba ang presyo ng gasolina ng hanggang P0.70 hanggang P0.90 kada litro.
Ang gasolina at diesel ay maaari ring magtapyas ng mula P1.00 hanggang P1.15 kada litro.
Sa nakalipas na apat na magkakasunod na linggo, naitala ang hanggang P4.80 na pagtaas sa kada litrong presyo ng gasolina at diesel, habang P3.90 naman sa kada litrong presyo ng kerosene.
Batay pa rin sa datos ng DOE, mula Enero hanggang noong Hulyo 9, umabot na sa P10.85 ang itinaas ng kada litrong presyo ng gasolina, P9.05 ang itinaas sa kada litrong presyo ng diesel, at P2.35 naman sa kada litrong presyo ng kerosene.