Inaasahang tataas ang presyo ng langis sa mga susunod pang linggo dahil sa mahigpit na supply sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, ang suplay at demand para sa krudo ay nananatiling napakahigpit at pabagu-bago ang paggalaw sa pandaigdigang merkado matapos ipahayag ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na papalawigin nito ang kanilang supply cut policy hanggang sa katapusan ng 2025.
Aniya, inaasahang magtaas sa presyo ng gasolina sa mga susunod na araw dahil sa epekto ng desisyon kamakailan ng OPEC+, papalo ang crude oil mula $80 hanggang $90 per barrel.
Wala naman aniyang oversupply at walang ring undersupply kaya tataas ang presyo sa isang lingguhang batayan. Ang supply at demand naman ng langis ay parehong nasa 102 milyong barrels kada araw.