-- Advertisements --

Asahan umano ang rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa energy sources, inaasahang papalo ng P0.80-P0.90 ang mababawas sa kada litro ng krudo.

Ang kada litro ng gasolina ay may tapyas naman na P0.40-P0.50.

Habang may bawas na P0.70-P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng pagbabago sa presyo ng kani-kanilang produkto.