-- Advertisements --

Inaasahang muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Abril 29, ayon sa Department of Energy (DOE), kasunod ng lumalalang tensyon sa supply bunsod ng bagong parusang ipinataw ng Estados Unidos laban sa oil shipping network ng Iran.

Ayon kay Assistant Director III Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, narito ang inaasahang taas-presyo:

  • Gasolina: P0.80 – P1.40/litro
  • Diesel: P0.40 – P1.00/litro
  • Kerosene: P0.50 – P0.70/litro

Ang pagsirit ng presyo ay kasunod ng hakbang ng US Treasury na patawan ng parusa si Seyed Asadoollah Emamjomeh, isang Iranian LPG magnate, at ang kanyang corporate network.

Ayon kay US Treasury Secretary Scott Bessent, responsable ang grupo ni Emamjomeh sa pag-export ng milyun-milyong dolyar na halaga ng Iranian LPG at krudo sa mga foreign markets upang iwasan ang umiiral na US sanctions.

Bukod dito, nakaapekto rin sa presyo ang pagbaba ng oil inventory sa US na nagpapahiwatig ng mas mataas na demand.