-- Advertisements --

Muling sumipa sa mahigit $100 ang presyo ng kada bariles ng langis dahil pa rin sa lumalalang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nakakagambala naman sa suplay ng enerhiya ng Russia.

Tumaas kasi muli ang presyo ng krudo sa US sa 8% hanggang $102.65 kada bariles, habang ang kada bariles naman ng brent crude ay tumaas ng 9% hanggang $107 batay sa recent trading.

Ang mabilis na pagtaas ng presyo ng langis ay mahigpit na binabantayan ng mga pinuno ng Washington at Wall Street dahil ang mataas na energy prices ay magpapalala sa inflation at magpapabagal sa ekonomiya ng mga bansang maaapektuhan nito.

Magugunita na una nang nagbigay babala ang International Energy Agency hinggil sa biglaang pag-offline ng 30% ng oil production ng Russia sa loob ng ilang linggo, na maaaring magdulot ng supply crisis sa ekonomiya ng buong mundo.

Dahilan kung bakit hindi anila dapat na maliitin ang maaaring pagkawala ng Russian oil exports sa pandaigdigang merkado.

Samantala, sa kabila naman ng mga naturang rebound ay nananatiling mas mababa sa recent peaks ang presyo ng langis kung saan ay una nang naitalang nasa $130.50 kada bariles ng US crude noong Marso 6, habang nasa papalo naman sa $140 ang kada bariles ng brent crude.