-- Advertisements --
Hindi pa rin gumagalaw ang presyo ng lechon sa La Loma sa Quezon City para sa buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan.
Ayon sa mga nagtitinda ng lechon sa La loma, wala pa ring paggalaw ang presyo ng lechon dahil anila, waala namang pagbabago sa presyo sa pagkuha nila ng baboy sa mga supplier.
Sa kasalukuyan, mabibili pa rin ang paboritong lechon baboy sa mga presyong P8,000 para sa 7-8kg na lechon. P9,000 para sa 9-10kg na lechon. P10,000 para sa 11-12kg, samantalang ang 20 kilograms naman ay nagkakahalaga ng P18,000.
Gayunpaman, makakabili pa rin ang mga suki ting-tingi na lechon na nagkakahalaga ng P1,200 kada kilo.
Inaaasahan na rin ang pagtaas ng presyo ng lechon sa mga susunod na linggo/Holiday seasons kung saan mataas ang demand nito.