-- Advertisements --

Tumaas pa ang presyo ng lechon sa La Loma, Quezon City, na tinaguriang lechon capital ng Metro Manila sa P500 hanggang P1,000 kada piraso ilang araw bago ang Pasko.

Ang presyo ay nakadepende sa laki kung saan ang isang lechon mula sa La Loma ay maaaring nagkakahalaga ng P6,500 hanggang P15,000

Ayon sa Lechoneros, karaniwang tumataas ang presyo ng lechon kapag ganitong Disyembre kumpara sa mga nakaraang buwan kung saan may pagtaas sa demand dahil sa Christmas parties at family gatherings.

Ngunit kumpara noong nakaraang taon, sinabi ng mga nagtitinda na halos pareho lamang ang presyo.

Ayin din sa mga nagbebenta, ang kalidad ng mga baboy sa taong ito ay mas maganda kaysa noong nakalipas na taon.

Inaasahan din ang isa pang bugso ng pagtaas sa presyo ng mga lechon habang papalapit ang Noche Buena dahil karamihan sa mga pamilya ay bumibili ng lechon sa mismong bisperas ng Pasko o Disyembre 24.

Bukas naman ang karamihan sa mga tindahan ng lechon sa La Loma para sa reservation sa pamamagitan ng kanilang mga social media page at tumatanggap din sila ng walk-in.