-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga kumpanya ng langis na magtataas ang presyo ng liquefied petroleum gas ngayong araw, Setyembre 1.

Parehong sinabi ng Solane at Petron na tataas ng P0.55 kada kilo ang presyo ng household LPG.

Magsisimula ang pagtaas ng presyo alas-12:01 ng umaga para sa Petron at alas-6 ng umaga para sa Solane. 

Lumalabas sa datos ng Department of Energy na ang presyo ng 11-kilogram na household LPG ay mula P840 hanggang P1,087 sa Metro Manila noong Agosto.