-- Advertisements --
Nagpatupad ngayong araw ng P0.80 kada kilogram na rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) simula kaninang madaling araw.
KatumbasĀ ito ng bawas-presyong P8.80 para sa 11 kg regular cylinder tank.
Bunsod umano ito ng pagbaba ng contract price ng LPG sa world market.
Inaasahang masusundan pa ito dahil sa downtrend na nakikita sa pamilihan, kung saan pangunahing ikinokonsidera ang supply at demand.