-- Advertisements --

Epektibo na ang muling pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Mula nitong alas-12:00 ng madaling araw ng Martes, Oktubre 1 ay nagsimulang ipatupad ang price hike.

Mayroong P4.50 sa kada kilo ng LPG o mayroong P49.50 sa kada 11 kgs. na tangke ng LPG ang itinaas.

Ang nasabing price hike ay dahil sa epekto pa rin ng paggalaw sa pangunahing bilihin sa buong mundo.