-- Advertisements --

Nakaamba ang pagtaas ng presyo ng Liquefied petroleum gas sa pagpasok ng buwan ng Setyembre.

Maglalaro ito mula P1.50 hanggang P2.00 sa kada kilo o katumbas ng dagdag na P16.50-P22.00 sa kada 11 kilograms na tangke ng LPG.

Base kasi sa international market na nagtaas sila ng presyo ng $20 kada metriko tonelada.

Pinaghahanda na rin ng grupo ng mga LPG dealers ang publiko na sa Oktubre ay maaaring magkaroon ng panibagong pagtaas ng presyo dahil sa papasok na sa winter season na siyang magkakaroon ng taas ng demand ng LPG.