Nananatili pa ring matatag ang presyo ng mga produktong mais sa mga pangunahing pamilihan sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Ito ay sa kabila sunod-sunod na pag-atake ng pesteng harabas na sinabayan pa ng banta ng El Niño Phenomenon.
Batay sa kasalukuyang presyo ng mais sa merkado dito sa NCR, ito ay naglalaro sa ₱60 hanggang ₱70 ang kada kilo depende sa laki nito.
Ilan sa mga tindera ng mais ay umaasang magtutuloy tuloy ang matatag na presyo ng mais sa bansa.
Umaabot naman sa P90 ang presyo kada kilo ng puting mais.
Paliwanag ng ilang mga nagtitinda ng mais na sapat ang supply nito dahilan upang maging mababa ang presyo ng mais.
Sa kabila nito ay hindi naman nila isinasantabi ang posibilidad na tumaas itong muli pagdating ng buwan ng Marso at Abril.
Sa datos ng DA, nagpapatuloy ang pinsala sa mga sakahan bunsod ng El Niño.
Tuloy-tuloy naman ang kanilang mga ginagawang hakbang upang mabigilan ang malubhang epekto nito sa mga sakahan at mga magsasaka.